Sunday, July 11, 2010

MY 1ST BLOG IN TAGALOG! MANINDIGAN KA!


Napakahirap magtrabaho kung alam mo na ang mga taong pinagtratrabuhan mo at kasama mo ay hindi naniniwala sa iyong kakayahan. Para kang dumadaan sa butas ng karayom upang matuwa lang sila sa iyo. Napakataas ng kanilang expectation na minsan mukhang napakaimposible mong maabot. Madalas silang nakatuon sa mga pagkakamali kaysa sa mga tama na iyong nagawa. De numero lahat ang galaw mo dahil natatakot ka na magkamali, parang bagang ikaw ay ay naglalakad sa mga itlog na pwedeng mabasag kahit ano mang oras. Ingat na ingat ka sa lahat ng iyong ginagawa! Nangangamba sa bawat hakbang na ikaw ay magkakamali at mapapagalitan. Napakahirap ng sitwasyon kung ang ganoon and working environment mo. Kung nararamdaman mo ang pakiramdam na ito dati o ngayon, hindi ka nag-iisa.

Kailangan natin maunawan na tayo ay hindi magiging biktima, kung hindi magpapabiktima. Dahil may kasabihan na “Walang mabibiktima kung walang magpapabiktima.” Huwag tanggapin na ito na ang itinadhana ng Diyos sa iyong buhay. Ito ay isang malaking kasinungalingan, may choice ka! May karapatan ka na mamili kung gusto mo magpaalipin o maging malaya. Magpaalipin kung tatanggapin mo na ganito ka mabuhay at ganito ka din mamatay. Magiging malaya kung maniniwala ka na puede kang mamili ng ibang trabaho o landas upang mababago at ikauunlad ng iyong buhay. Huwag tayong magpaalipin sa kasinungalingan at maniwala na wala ka nang pag-asa. Yan ang gusto gawin ng demonyo sa ating buhay, na tayo ay maging alipin at hindi na makaahon sa ating buhay.

Lumaban ka at manindigan! Maniwala muli sa iyong sarili! Manampalataya sa Diyos! At piliin na bagong landas, piliin na makatrabaho ang mga taong naniniwala sa iyong abilidad at kakayahan. Hanapin ang mga taong naniniwala sa iyo na tumitingin sa mga tama mong ginagawa kaysa sa mga maling ginagawa. Paligiran mo ang iyong sarili na magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at hindi pahihinain ang iyong loob. Mga taong na nagbibigay ng inspirasyon at hindi nagnanakaw ng iyong mga pangarap. Ikaw ay nilikha ng Diyos upang magtagumpay para makamit mo ang iyong pangarap. Huwag hayaan na gamitin ka na parang basahan, na pag wala ng silbi ay tinatapon na lang sa basura. Lumaban ka at maniwala muli sa sarili at manampalataya sa Diyos na habang may buhay ay may pag-asa!

PS.
Kung may mga katangunan, bisitahin ninyo ang aking website www.chinkeetan.com at nais ko marinig kung ano ang inyong nasa loobin.

Never Work With Someone Who Does Not Believe In You


It is so difficult to live up to the expectations of other people. It seems like that you are going through the hoop in order to please them. The expectations are too high, it seems to be an unreachable and an impossible task. They often focus on the things you are doing wrong rather than the thing you have done right. Your decisions and every move is too calculated because you are too afraid to make mistakes, it seems like that you are walking on thin ice or walking on soft egg shells that it might break anytime. If you have experienced or are experiencing this situation, you are not alone.

One thing I learned in life is to work with people who sincerely believes in you. Look for a group of people who will look at your potential rather than your failures. Surround yourself with people who will encourage you not discourage you. People who will inspire hope and not steal your dreams away from you. You are created for greatness and live out your dreams. Never allow people to treat you like a rag, they will only use you and when you are not anymore useful they will just dump you into the trash bin.

Let us find the place and the people who will accept us for who we are and not because of what we can do for them and not because of what we can become!