Sunday, July 11, 2010
MY 1ST BLOG IN TAGALOG! MANINDIGAN KA!
Napakahirap magtrabaho kung alam mo na ang mga taong pinagtratrabuhan mo at kasama mo ay hindi naniniwala sa iyong kakayahan. Para kang dumadaan sa butas ng karayom upang matuwa lang sila sa iyo. Napakataas ng kanilang expectation na minsan mukhang napakaimposible mong maabot. Madalas silang nakatuon sa mga pagkakamali kaysa sa mga tama na iyong nagawa. De numero lahat ang galaw mo dahil natatakot ka na magkamali, parang bagang ikaw ay ay naglalakad sa mga itlog na pwedeng mabasag kahit ano mang oras. Ingat na ingat ka sa lahat ng iyong ginagawa! Nangangamba sa bawat hakbang na ikaw ay magkakamali at mapapagalitan. Napakahirap ng sitwasyon kung ang ganoon and working environment mo. Kung nararamdaman mo ang pakiramdam na ito dati o ngayon, hindi ka nag-iisa.
Kailangan natin maunawan na tayo ay hindi magiging biktima, kung hindi magpapabiktima. Dahil may kasabihan na “Walang mabibiktima kung walang magpapabiktima.” Huwag tanggapin na ito na ang itinadhana ng Diyos sa iyong buhay. Ito ay isang malaking kasinungalingan, may choice ka! May karapatan ka na mamili kung gusto mo magpaalipin o maging malaya. Magpaalipin kung tatanggapin mo na ganito ka mabuhay at ganito ka din mamatay. Magiging malaya kung maniniwala ka na puede kang mamili ng ibang trabaho o landas upang mababago at ikauunlad ng iyong buhay. Huwag tayong magpaalipin sa kasinungalingan at maniwala na wala ka nang pag-asa. Yan ang gusto gawin ng demonyo sa ating buhay, na tayo ay maging alipin at hindi na makaahon sa ating buhay.
Lumaban ka at manindigan! Maniwala muli sa iyong sarili! Manampalataya sa Diyos! At piliin na bagong landas, piliin na makatrabaho ang mga taong naniniwala sa iyong abilidad at kakayahan. Hanapin ang mga taong naniniwala sa iyo na tumitingin sa mga tama mong ginagawa kaysa sa mga maling ginagawa. Paligiran mo ang iyong sarili na magbibigay sa iyo ng lakas ng loob at hindi pahihinain ang iyong loob. Mga taong na nagbibigay ng inspirasyon at hindi nagnanakaw ng iyong mga pangarap. Ikaw ay nilikha ng Diyos upang magtagumpay para makamit mo ang iyong pangarap. Huwag hayaan na gamitin ka na parang basahan, na pag wala ng silbi ay tinatapon na lang sa basura. Lumaban ka at maniwala muli sa sarili at manampalataya sa Diyos na habang may buhay ay may pag-asa!
PS.
Kung may mga katangunan, bisitahin ninyo ang aking website www.chinkeetan.com at nais ko marinig kung ano ang inyong nasa loobin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
16 comments:
Mr. Chinkee, na inspire nanaman po ako sa mga sinabi nyo dito. I always thought na talagang palagi akong may choice sa lahat ng ginagawa ko. Lalo pa napagtibay at nakumpirma ko itong matagal ko nang naging philisophy sa buhay ay may matatag din na naniniwala.
Tama po kayo, iba talaga ang pakiramdam at yung produkto na magagawa kapag may naniniwala sa inyo. Kung minsan nga po naisip ko, mas alam ko na sa akin yung bagay na pinalalago ko mas lalo kung pinagbubuti. Kagaya ng pagtataguyod ng isang negosyo. Gusto ko umunlad, para sa mga mahal ko sa buhay. Salamat po ulit at ipagpatuloy nyo po itong mabuti nyong gawa.
~Tim Samaniego | Every Peso Counts
Ty Tim for posting your comments, truly appreciate it. I think I will be more writing in Tagalog rather than english, it hits right to the heart!
Thanks for sharing! It inspires me to do my best. How can you surround yourself with optimistic people if your family especially your parents are pessimist? That's my problem right now Mr. Chinkee. I have dreams and ambitions in life. Everything I do makes no sense to them.
Totally col and fantastic photo manipulation art work.
Ecommerce SEO Consultants
Great Post, I’ll be definitely coming back to your site. Keep the nice work up.
Logo Design
Wow, nice post,there are many person searching about that now they will find enough resources by your post.Thank you for sharing to us.Please one more post about that..
Ready-Made Salon and Spa Logo
I read your post and it was amazing , KEEP IT, great job.
Facebook Fan Page Development
In my opinion if you not believe on you that on one care about you so, first believe on you then start your work.
Link:
Custom Facebook Page
it's filipino, not tagalog.. get it right
it strikes me Mr. Chinkee...its really an eye-opening
one just need a courage to show how he can do on his own :)
i love reading your blogs and post on FB :)
nakakainspire naman tong article nyo.. ganda naman sir!!! Tagalog Quotes
Tama po!
Sa tingin ko ay gusto din ng Diyos na
tayo ay masaya, kaya dapat wag
hayaang mabiktima.
Syempre iba naman ang usapan kung may
mga pagsubok na dumarating para
maging mas mabuting tao. ^ ^,
At kung meron mang sumakit o umaboso satin, tayo ay magpatawad. :)
http://debbieannecastro.blogspot.com/
Ang ganda ng pagkakasabi mo. :)
Very well said!
Gusto ng diyos n maging masagana at matabumpay ang bawat isa,
Kung my mga pagsubok man n dumadating
Itoy challenges LNG sa ating buhay,
N kailngan natin harapin at lagpasan ,para marating Ung salitang tagumpay
Na inaasam ng bawt eh.,ang pagsubok ay kapataid ng 1tagumpay sa buhay,
Post a Comment